3 sugatan sa pag-araro ng kotse sa mga sasakyan sa Cavite | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 sugatan sa pag-araro ng kotse sa mga sasakyan sa Cavite

Sugatan ang tatlo katao matapos araruhin ng isang kotse ang ilang sasakyan sa Manila-Cavite Road sa Barangay San Rafael III, Noveleta, Cavite bandang 10:59 ng gabi noong Mayo 13, 2025.

Batay sa spot report ng Noveleta Municipal Police Station, minamaneho ng isang 22-anyos na babae ang isang kotse patungong Cavite City nang bigla itong umandar ng mabilis at bumangga sa kasalubong na sasakyan.

Matapos nito ay umatras ang kotse at bumangga sa poste ng ilaw, saka lumiko papuntang bayan ng Noveleta.

Dito na sunod-sunod nitong inararo ang ilang nakaparadang sasakyan at ilang katao bago ito tuluyang tumigil matapos bumangga sa konkretong poste.

Kabilang sa mga sugatan ang isang barangay kagawad. Isinugod sa iba’t ibang ospital ang mga biktima, pati na ang suspek na nawalan ng malay.

Nahaharap ang suspek sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Damage to Property and Multiple Physical Injuries. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.