Reelectionist Cotabato Gov. Mendoza, nangunguna laban kay ex-Agri Sec Piñol | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Reelectionist Cotabato Gov. Mendoza, nangunguna laban kay ex-Agri Sec Piñol

Reelectionist Cotabato Gov. Mendoza, nangunguna laban kay ex-Agri Sec Piñol

Maricel Butardo

 | 

Updated May 13, 2025 10:28 AM PHT

Clipboard

COTABATO - Nangunguna pa rin si reelectionist Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza kumpara sa mga kalaban niyang si dating Agriculture Secretary Manny Piñol at Manuel Adajar.

Base sa partial unofficial result ng comelec server as of 9:54 p.m., lamang ng 136,229 na boto si Mendoza kay Piñol.

Hindi pa man natatapos ang bilangan sa probinsya, dahil kasalukuyang naka recess ang provincial board of canvassers at nakatakda pang mag resume mamayang ala 1:00 ng hapon, kinuwestyon na ni Piñol ang resulta ng botohan sa Kidapawan City.

Base kasi sa Partial Unofficial Result mula sa Comelec media server as of 11:44 p.m., makikitang sobra ng 394 ang bumoto sa nasabing lungsod.

ADVERTISEMENT

Balak ngayon ng kampo ni Piñol na maghain ng petition para sa manual recount.

Samantala, nagpasalamat na si Mendoza sa lahat ng mga bumuto at patuloy na nagtitiwala sa kanya at anak na si 3rd District congressional reelctionist Samantha Santos.

As of 11 p.m., 962 polling precincts na ang na-canvass o 89.66 porsiyento, at 111 na lang ang hinihintay mula sa mga bayan ng Carmen at Magpet o 10.34 percent.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.