Kerwin Espinosa, naiproklama nang bagong alkalde ng Albuera, Leyte | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kerwin Espinosa, naiproklama nang bagong alkalde ng Albuera, Leyte

Kerwin Espinosa, naiproklama nang bagong alkalde ng Albuera, Leyte

Sharon Evite

Clipboard

Kapatid na si Mariel Espinosa, bagong bise-alkalde

TACLOBAN -- Balik sa panunungkulan ang mga Espinosa sa bayan ng Albuera, Leyte. Ito ay matapos pormal na iproklama ng Municipal Board of Canvassers (MBOC) si Rolan “Kerwin” Espinosa bilang bagong alkalde ng bayan ng Albuera, Leyte.

Matapos ang bilangan, nakakuha si Espinosa ng 10,939 na boto, malinaw na lamang sa dalawang kalaban niya na sina Vince Rama na may 7,081 boto, at Sixto Dela Victoria na may 2,761 boto.

Dahil dito, nagpasalamat siya sa mga taga-Albuera. “Nabaril ako, hindi ako namatay. Ang pagkaintindi ko kung bakit hindi ako namatay, may misyon ako at ang sugo, nasa taas, ay ang Diyos natin. Ito na ngayon, boses ng taong bayan, boses din ng Diyos.”

Hindi lang si Kerwin ang nagwagi, pati ang kanyang kapatid na si RR Espinosa ay naiproklama rin bilang bise alkalde, na may kabuuang 10,555 boto.

ADVERTISEMENT

Matatandaang si Kerwin Espinosa ay naging laman ng balita noon matapos umamin na sangkot siya sa ilegal na droga.

Pero sa kabila ng kontrobersyang ito, aniya isa sa sa kanyang plataporma ay ang pagpigil sa paglaganap ng ilegal na droga sa Albuera at ang pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan.

Sabi ni Espinosa, “Ang droga dinhi sa Albuera, limpyohon namo. Ang BE-PK ang manguna sa paglimpyo sa maong droga.” (Ang ilegal na droga dito sa Albuera, lilinisin namin. Ang BE-PK ang mangunguna sa paglinis sa droga.)

Pero nangako rin siya na sa kanyang administrasyon, walang mamatay dahil sa ilegal na droga. “Sa anti-drug campaign, katukin naming sila, pakiusapan na huminto na at itigil na at kalimutan na ang droga sa kanilang buhay. Kung hindi makinig, walang mamamatay kundi may mahuhuli, o i-rehab, ipa-rehab ko, libre, libre ang rehab sa administrasyon sa BE-PK,” aniya.

Bukod dito, plano din ni Espinosa na magtayo ng ospital sa kanilang bayan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.