Halalan 2025: 11 patay sa mga bakbakan, pamamaril sa Western Mindanao

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Halalan 2025: 11 patay sa mga bakbakan, pamamaril sa Western Mindanao

Queenie Casimiro,

ABS-CBN News

Clipboard

Umabot na sa 11  ang namatay sa loob ng dalawang araw sa Western Mindanao sa panahon ng halalan.

Sa tala ng Western Mindanao Command, Mayo 11 nang binaril ang barangay kagawad sa Kumalarang, Zamboanga del Sur ng isang hindi pa nakikilalang salarin.

Sa kaparehong araw nangyari ang bakbakan sa pagitan ng dating barangay chairperson Almujir Camlian at Mayor Talib Pawaki sa Mohammad Adjul sa Basilan, na ikinasawi ng apat na lalaki.

Sabado rin binaril ang isang guro mula Lantawan, Basilan habang sakay ng motorsiklo papuntang Isabela City.

ADVERTISEMENT

Sugatan ang teacher na si Rubylen Alay at ang kasamang si Emar Alan.

Hatinggabi ng Linggo nauwi sa barilan ang away-pulitika ng dalawang partido sa Dinas, Zamboanga del Sur. Isa ang namatay habang isa ang nasugatan.

Lagpas ala una ng madaling araw nang magkaengkwentro ang grupo ng dating alkalde ng Hadji Muhtammad sa Basilan laban sa 52nd Special Action Company ng 5th Special Action Battalion ng pulisya. Tatlo ang nasawi habang 2 ang sugatan.

At bandang tanghalian kahapon nagkagirian din ang dalawang grupo dahil sa rido sa Barangay Suligan, Tabuan Lasa, Basilan.

Dalawa ang patay, samantalang tatlo naman ang dinala sa pagamutan.

Ayon sa tagapagsalita ng Wesmincom, Col. J-Jay Javines, inasahan na nila na magiging tensyonado ang Basilan lalo't magkakapamilya ang magkatunggali sa probinsya. Pero tanging ang Isabela City ang nasa ilalim ng red category.

Ayon sa militar pinaigting na ng 101st Army Brigade ang pagbabantay para masigurong wala nang karahasan ang magaganap hanggang matapos ang bilangan at maiproklama ang mga bagong halal. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.