33 arestado sa paglabag sa liquor ban sa Nueva Ecija, Pampanga, at Tarlac, | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
33 arestado sa paglabag sa liquor ban sa Nueva Ecija, Pampanga, at Tarlac,

Bayan Mo,
Ipatrol Mo,
Alliah Zsarnett Dela Cruz
Published May 12, 2025 02:21 PM PHT

Dahil umano sa paglabag sa liquor ban, 33 ang inaresto sa Nueva Ecija, Pampanga, at Tarlac ngayong Lunes, Mayo 12, 2025, ayon sa Police Regional Office 3.

Ayon kay PRO 3 Police Senior Master Sergeant Rios Igarta, sampu ang naaresto sa Nueva Ecija, 21 sa Pampanga, at 2 sa Tarlac.

Makikita sa Facebook posts ng PRO 3 ang mugshots ng limang indibidwal na inaresto sa Cabanatuan City Police Station.

Nahaharap sa kaukulang kaso sa ilalim ng Commission on Elections (COMELEC) Omnibus Election Code Resolution No. 11057, ang mga naaresto at sila ay agad na inihain sa korte para sa kaukulang legal na proseso.

ADVERTISEMENT
Ipinaliwanag naman ni PRO 3 Director PBGEN Jean S. Fajardo na ang 48-oras na liquor ban ay nagsimula noong hatinggabi ng Mayo 11 at magtatapos sa ganap na 11:59 ng gabi ngayong Mayo 12.

Saklaw nito ang pagbabawal sa pagbebenta, pagbili, at pag-inom ng nakakalasing na mga inumin.