Nagpapahingang magsasaka, nasagasaan ng kotseng tumakas mula checkpoint | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nagpapahingang magsasaka, nasagasaan ng kotseng tumakas mula checkpoint

Nagpapahingang magsasaka, nasagasaan ng kotseng tumakas mula checkpoint

Ronilo Dagos

Clipboard


MAYNILA — Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang lalaking humarurot palayo mula sa checkpoint, nakasagasa at nakapatay sa isang magsasaka na nagpapahinga lamang sa isang sugar cane plantation sa Batangas.

Nagsimula ang insidente bandang alas 2:30 ng hapon nitong Sabado nang mapara ng pulisya sa Oplan Sita checkpoint ang pulang kotse ng suspek sa Barangay Ilog, Taal.

Pero habang kinakausap ng mga pulis ang driver, napansin nilang may nakalagay na baril sa tabi ng upuan nito at agad itong umatras at humarurot palayo.

Muntik pang masagasaan ng suspek ang dalawang pulis bago ito tumakas patungong provincial road ng Barangay Muzon, sa bayan ng Sta. Teresita.

ADVERTISEMENT

Sa kalagitnaan ng habulan, nabangga ng suspek ang dalawang sasakyan bago tuluyang pumasok sa Barangay Irukan, Sta. Teresita  at sumuot ang sasakyan sa malawak na tubuhan. 

Doon nasalpok ng kotse ang lalaking magsasaka na nagpapahinga sa lilim ng mga tubo.

Agad na tumakbo ang suspek papalayo sa taniman at iniwan ang sasakyan sa lugar ng insidente.

Nang inspeksyunin ng Taal police ang loob ng kotse, natagpuan nila ang mga plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 85 gramo at nagkakahalaga ng nasa  P578,000.

Narekober din mula sa loob ng sasakyan ang isang kalibre .45  submachine gun at isang magnum 357 revolver at mga bala.

Patuloy ang hot pursuit operation ng mga awtoridad para mahuli ang tumakas na suspek na ayon sa pulisya ay taga Barangay Pansol, Taal.  




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.