3 botante sa Baguio nakatanggap ng fake volunteer IDs | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 botante sa Baguio nakatanggap ng fake volunteer IDs

3 botante sa Baguio nakatanggap ng fake volunteer IDs

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

Clipboard

COURTESIES: 

Bayan Patroller Krishia Evangelista

Bayan Patroller Nhel Nichol Armas

Bayan Patroller Zinnia Biag

ADVERTISEMENT


Isang fake volunteer ID mula sa isang tumatakbong partylist sa Halalan 2025 ang natanggap ng isang botante mula sa Baguio City, Benguet nitong Mayo 8, 2025.

Kwento ng abogado at Bayan Patroller na si Krishia Evangelista na mismong nakatanggap ng ID, may kumatok sa kanilang tahanan at nagpakilala na galing sa kanilang barangay.

Makikita sa harap ng ID ang logo  ng Solid North Party-list, numero nito sa balota, at ang salitang "volunteer". Sa likod naman ay ang personal na impormasyon ni Bayan Patroller Krishia gaya ng kaniyang buong pangalan, kumpletong address at isang QR Code na nang kaniyang buksan ay naglalaman din ng kaniyang buong pangalan, kaarawan, at mga letra at numero na hindi niya alam ang ibig sabihin.

Paglilinaw ni Krishia, kailanman ay hindi siya nagprisinta bilang volunteer sa partylist na nakasaad sa ID. Hindi rin siya nagbigay ng permiso para magamit ang kaniyang personal na impormasyon.

Aniya, siya ay nabahala lalo na at maaaring makaapekto ito sa kaniyang pagsisilbi bilang non-partisan volunteer sa Oplan Kontra Bigay ng COMELEC at bilang isang volunteer sa Voter's Assistance Desk sa mismong araw ng eleksyon, kaakibat ng proyektong pinapangunahan ng Integrated Bar of the Philippines, Baguio-Benguet Chapter na kasama rin ng COMELEC.

ADVERTISEMENT

Hinihikayat ni Bayan Patroller Krishia na sinuman ang makatanggap ng ganitong klase ID o anumang klase ng vote buying na ipagbigay-alam agad sa COMELEC.

Samantala, nakatanggap din ng parehong fake volunteer ID sina Bayan Patroller Nhel Nichol Armas at Bayan Patroller Zinnia Biag.

Nababahala din ang dalawang patrollers dahil hindi din sila nag-apply bilang volunteer ng nasabing grupo. Galit din sila na nakuha ang kanilang personal na impormasyon at nailagay pa sa ID. -- Lois Francesca Roque-BMPM Volunteer / Elaiza Marie Castro-BMPM Volunteer

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.