Van ng media sa Camiguin, sinilaban | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Van ng media sa Camiguin, sinilaban
Van ng media sa Camiguin, sinilaban
Dabet Panelo,
ABS-CBN News
Published May 10, 2025 04:22 PM PHT

Isang van na pagmamayari ng isang mamamahayag sa Camiguin ang sinilaban noong Mayo 10, 2025. Retrato mula kay Manuel Jaudian

Sinilaban ang harapan ng van na pag-aari ng isang mamamahayag sa Sagay, Camiguin, Sabado ng madaling araw, Mayo 10, 2025.

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng may-ari ng van na si Manuel Jaudian, isang mamamahayag ng Mindanao Daily News Network (MDNN), ang sunog na Nissan Urban Premium 350 na may plate number KAC 4218.

Ang nasabing van ay may prominenteng sticker sa bubong na may nakalagay na “MEDIA” at logo ng MDNN at ng programa ni Jaudian na Kalandrakas.

Nagpahinga lang aniya siya sa kanilang bahay at nagising ng bandang alas-11 ng gabi pero natulog muli. Bandang alas-2 ng madaling araw ay ginising si Jaudian ng kanyang pinsan dahil napansin na nagliliyab ang kanyang van na nakaparada sa harap ng kanilang bahay.

“At the start I was made to understand na it could be electrical faulty o grounded yung aking sasakyan. Nang na-recover ko yung isang plastic na parang container ng suka near the van, wala nang apoy. Inamoy ko, ang odor is gasoline and I asked the fire officer to check this. Another is parang pang-torch,” ani Jaudian.

Kuwento ni Jaudian, lumabas siya at sinubukang patayin ang apoy hanggang dumating na ang bumbero para apulahin ito.

Ang hinala niya noong una ay grounded ang kanyang sasakyan kaya ito lumiyab pero nang pinaikutan niya ang van ay may nakita siyang isang bote ng plastic na amoy gasolina.

May nakita rin siyang kahoy na animo'y tanglaw o torch na aniya ay maaring ginamit na pansilab sa kanyang van.
May nakita rin siyang kahoy na animo'y tanglaw o torch na aniya ay maaring ginamit na pansilab sa kanyang van.
ADVERTISEMENT
Nasa kustodiya na rin ng BFP ang nasabing plastic na bote at pansilab pero kasalukuyang pang iniimbestigahan ang insidente.

Wala pa ring ulat na maibigay si Police Major Jeric Jay Singson, Acting Chief of Police ng Sagay Municipal Police Station.

Sa paniniwala ni Jaudian, ang mga politikong nasasaktan sa kanyang mga ulat tungkol sa political dynasty at vote-buying ang may kinalaman sa pagliliyab ng kanyang van.

“Ako'y nagulat na... ano ba, bakit ba? Wala naman akong personal na kalaban dito sa Camiguin. Ang last political engagement ko was 2016 when I ran under Duterte at nakalaban ko ang dynasty dito sa Camiguin…. I have discussed in my program the impact of dynasties all over the Philippines and in Northern Mindanao. And also vote buying,” ani Jaudian.

Dagdag ni Jaudian, nagsisilbi itong warning sa kanya dahil sa kanyang matalas na pamamamahayag.

Batid naman ni PMaj. Singon, walang threat para kailanganin ang security detail para kay Jaudian. Hindi pa rin aniya nag-request ang biktima at may mga proseso pang pagdadaanan para mabigyan ng security detail si Jaudian.

Bagama't botante si Jaudian sa Camiguin, nasa Cagayan de Oro siya nagtatrabaho bilang mamamahayag. Siya rin ang dating presidente ng Cagayan de Oro Press Club.

Sa isang pahayag, kinondena naman ng COPC ang insidente. Pinaalalahanan din ng presidente ng COPC president na si Froilan Gallardo ang mga mamamahayag na mag-ingat sa election coverage.

Sa mga naunang pahayag ng Reporters Sans Frontiers Asia-Pacific Bureau advocacy officer na si Arthur Rochereau, sinabi niya na ang Pilipinas ay classified pa rin na isang lugar na nasa “difficult situation” para sa mga mamamahayag.