2 lalaking nanggahasa ng mga step daughter, arestado sa Caloocan at Malabon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 lalaking nanggahasa ng mga step daughter, arestado sa Caloocan at Malabon

2 lalaking nanggahasa ng mga step daughter, arestado sa Caloocan at Malabon

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Arestado ang 2 lalaking wanted dahil sa magkahiwalay na kaso ng panggagahasa ng mga menor de edad sa Caloocan at Malabon.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Alain Licdan, hepe ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District, naaresto sa Monumento, Caloocan ang isa sa mga suspek na si Alyas "Emmanuel."

Nasa most wanted list ng pulisya ang suspek dahil umano sa panghahahasa niya ng menor de edad na anak ng kanyang kinakasama noong 2021.

"Ang kasong kinakaharap ng suspect ay 2 counts ng rape, ang nangyari dito ay yung step daughter niya ay 16 years old. Nagsumbong yung bata sa nanay noong 2021, kaya nagsampa ng kaso ang nanay," sabi ni Licdan.

ADVERTISEMENT

Itinanggi naman ng suspek ang krimen at sinabing gawa-gawa lamang umano ito ng nanay ng biktima.

"Walang katotohanan 'yan. Kaya sila nagreklamo ng ganyan kasi nakikipaghiwalay na ako sa kinakasama ko," giit ng suspek.

Samantala, nahuli ng mga tauhan ng DSOU sa Bgy. Longos, Malabon ang isa pang lalaki na wanted dahil rin sa panggagahasa ng 12 anyos namang anak ng kanyang kinakasama.

May warrant of arrest siya galing sa Malabon Family Court para sa patong patong na kaso.

"Ang naisampa sa kanya ay statutory rape, sexual assault at acts of lasciviousness. Ang complainant ay misis niya, may step daughter sya. 12 years old, minor during that time noong 2023," sabi ni Licdan.

ADVERTISEMENT

"Kapag wala yung kinakasama, naiiwan ung anak na babae doon nagkakaroon ng chance na ginagalaw nung ka-live in nila yung anak ng partner nila," dagdag niya.

Lumabas din sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na may dati na ring kaso, na may kinalaman sa droga, ang suspek.

"Hindi ko po ginawa yun," giit ng suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng NPD-DSOU ang dalawang lalaki habang inihahanda ang kanilang mga return of warrant.

RELATED VIDEO:



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.