SILIPIN: Nagpapatuloy na pagsubok ng mga mangingisda, ahensiya ng gobyerno sa West PH Sea | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SILIPIN: Nagpapatuloy na pagsubok ng mga mangingisda, ahensiya ng gobyerno sa West PH Sea

Bianca Dava,

Patrol Ng Pilipino

Clipboard



MAYNILA — Nagsasagawa ng Maritime Domain Awareness Flight para magpatrolya at bantayan mula sa himpapawid ang mga sasakyang-dagat ng bansa na nagdadala ng  pagkain, gamit at iba pang tulong sa mga mangingisdang nasa laot sa West Philippine Sea. 

Gaya na lamang nang tumulak ang resupply mission ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mangingisda na nasa 30 nautical miles timog silangan ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal noong Marso. 

Kahit nasa 230 kilometro lang ang layo ng Bajo de Masinloc mula sa Masinloc sa Zambales at pasok ito sa 200 nautical mile exclusive economic zone, kitang-kita sa himpapawid ang mga nakapaligid na sasakyang-dagat ng China Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army (PLA) Navy sa teritoryo ng Pilipinas. 

Namataan din ang Chinese maritime militia vessels sa loob at labas ng bahura. 

ADVERTISEMENT

May pagkakataong sunod-sunod na nagradyo ang Chinese Navy warship at inuutusang umatras at huwag ng magpatuloy ang eroplano ng BFAR at meron ding helicopter na nagpakilalang PLA Navy ang lumipad din pero hindi na nagtangkang lumapit pa sa eroplano. 

Kasama ng apat na barko ng BFAR ang  BRP Bagacay ng PCG na nag-abot ng tulong sa mga mangingisda. 

Bagama’t tagumpay ang naging misyon, patuloy pa rin ang kalbaryo ng mga mangingisda at pamahalaan sa West Philippine Sea. 


—Ulat ni Bianca Dava, Patrol ng Pilipino

Video produced with Winkie Bernaldez 


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.