Lalaki na ihahatid umano ang girlfriend sa altar ng simbahan ipinasok pati motorsiklo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki na ihahatid umano ang girlfriend sa altar ng simbahan ipinasok pati motorsiklo
Christopher Sitson,
ABS-CBN News
Published Apr 09, 2025 01:16 PM PHT
|
Updated Apr 09, 2025 05:42 PM PHT

MAYNILA — Binatikos ng mga Pinoy online lalo ng mga Katoliko ang "paglapastangan" umano" ng isang lalaki sa isang simbahan sa Taal, Batangas.

Ang pagpasok ng lalaki dala ang motor sa loob ng sagradong lugar ay nakunan ng CCTV.

Sa viral na video, kita ang isang lalaki na idiniretso ang minamanehong motorsiklo sa loob mismo ng Taal Basilica o Minor Basilica and Parish of St. Martin of Tours sa Taal, Batangas, nitong Martes, Abril 8, 2025.

Sakay ng rider ang isang babae. Ipinarada niya ang motorsiklo sa tapat ng altar habang lumakad palayo ang babae, dumiretso sa upuan ng pari ang lalaki, umupo, itinaas ang isang paa, at pumalakpak pa.

Hindi nagustuhan ng mga taong simbahan ang naging kilos ng lalaki lalo na at banal at sagrado kung ituring ang bahay dalanginan.

"Hindi po siya angkop dahil sa panahon po ngayong kuwaresma na dapat magiging solemn po 'yung simbahan. Hindi mo dapat ito lapastanganin dahil ito po ay sagrado," sabi ni Richelle Anura, Catechist sa Taal Basilica.

"Nakakalungkot 'yung nakita ko sa video na may pumasok na lalaki na dala 'yung motor siyempre 'yung paggalang namin sa simbahan, nabastos po kami roon dahil 'yung altar po natin ay pinapahalagahan at sinasama namin," sabi ni Jonny Mark Oliver, isang lingkod simbahan.

Depensa naman ng lalaki, ihahatid lang umano niya sa altar ang kaniyang girlfriend at handang humingi ng paumanhin sa mga taga simbahan.

Ayon kay Police Capt. Rommel Magno, officer-in-charge ng Taal Municipal Police Station, hawak na nila ang lalaki matapos ireklamo ng simbahan.

Mahaharap sa kasong Offending Religious Feelings sa ilalim ng Article 133 ng Revised Penal Code ang bente tres anyos na lalaki.

"Base doon po sa mga kilos niya sa mga pinagsasabi niya medyo wala siya sa katinuan. Na-offend talaga sila dahil sagrado 'yung simbahan, pinasok niya 'yung motor doon, umupo sa presidential chair at pumalakpak, siyempre 'yung basilika ay dinadayo talaga rito at mataas ang pagkilala ng tao sa simbahan," sabi ni PCpt. Magno.

Tiniyak ng PNP na hindi makaaapekto sa seguridad at aktibidad ng simbahan ngayong papalapit na semana santa ang ginawang pagdire-diretso ng isang lalaki sa minamanehong motorsiklo sa loob ng Taal Basilica at itinuring itong isang "isolated case".

"Huwag po kayong maco-confuse dahil napaka-safe po rito sa Taal. Napaka-isolated nung case na 'yan. Nawala po sa katinuan kaya nakagawa ng ganung bagay," dagdag ni PCpt. Magno.