SUV na ginagamit pamasada, hinoldap sa Cavite, drayber natagpuang patay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SUV na ginagamit pamasada, hinoldap sa Cavite, drayber natagpuang patay

MAYNILA — Patay ang drayber na si Dexter Roales matapos holdapin ang kaniyang SUV na ginagamit pampasada sa iba't ibang lugar sa Quezon, Laguna, Cavite, at Batangas, kung saan puwede mag-book ang mga pasahero sa chat o sa cellphone number.

Noong Linggo, kasama niyang bumiyahe ang kaniyang karelyebong drayber na si Ruel Roca, na kaniya ring pinsan. Pero Lunes ng umaga, isang motorista ang nakakita sa bangkay ni Roales sa Tagaytay-Mendez Road sa Barangay Patutong Malaki North, Tagaytay City.

Habang nag-iimbestiga ang Tagaytay City Police, isang testigo naman ang nagtungo sa police station sa Mulanay, Quezon para isumbong na hinoldap ang kaniyang sinasakyang SUV at pinagbabaril ang drayber nito.

"Itong witness passenger ay nagpapahatid sa Cavite, hindi siya sanay sa biyahe, nakatulog siya, nagising na lamang siya noong pumasok na yung dalawang unknown suspek sa bandang Cavite," ani Lt. Col. Jefferson Ison, hepe ng Tagaytay City Police.

Nagdeklara umano ng holdap ang mga suspek sa may Cavite. Sabi ng biktima, nagising sya sa 2 putok ng baril. Itinapon umano ng mga suspek ang katawan ng mga biktima sa madilim na lugar sa Cavite. Ibinaba lamang umano ng mga suspek ang pasahero malapit sa isang mall sa Lipa City, Batangas.

Gayunpaman, bangkay pa lamang ni Roales ang natatagpuan. Natagpuan ang SUV ni Roales nitong Martes at nakita ang bakas ng dugo sa loob nito. Nagtutulungan na ang mga pulis sa Tagaytay City, Cavite, Quezon, at Batangas kasabay ang pagbuo ng isang Special Task Force.

Hiling ng mga kaanak ng biktima na makita si Roca, buhay man ito o patay.