Lugar sa Negros Occidental, nabalot ng ashfall | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lugar sa Negros Occidental, nabalot ng ashfall

Dabet Panelo,
Bayan Mo,
Ipatrol Mo,
Jhenel Cao
Published Apr 08, 2025 10:50 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nabalot ng ashfall ang La Carlota-La Castellana Road matapos ang muling malakas na pagputok ng Bulkang Kanlaon nitong Martes ng umaga (ika-8 ng Abril).

Nakuhanan ng bidyo ng sundalo na si Bayan Patroller Cpl. Denmark Cabo ang makapal na ashfall sa nasabing highway habang binabaybay niya ito papunta sa Delta Company, 62nd Infantry Battalion sa Barangay La Granja sa La Carlota City.

Nagbahagi rin si patroller ng bidyo habang nahuhulog ang abo mula sa bubong ng isang kubo sa loob ng kampo.

Nagtala ng 14 na volcanic earthquakes ang Phivolcs nitong Martes, habang walang patid ang pagsingaw ng plume na may 300 metro ang taas at napadpad sa timog-kanluran at hilagang-kanluran.

ADVERTISEMENT
Nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon at patuloy na ipinapayo ng Phivolcs ang paglikas ng mga residente sa mga barangay na nakapaloob sa 6-kilometer radius mula sa tuktok ng bulkan.

Samantala, nakuhanan naman ni Bayan Patroller Rhea Aduana Opanto ang maalikabok na daan sa Barangay Haguimit sa La Carlota City pasado alas-5 ng umaga.

Aniya, papunta siya sa paaralan kung saan naka-schedule ang kanyang teaching demo ngunit huli na nang kanyang malaman na sinuspinde pala ang klase sa kanilang lugar dahil sa muling malakas na pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Dagdag pa niya, habang pauwi sila sa kanilang sinakyang motor ay kinunan niya ng bidyo ang ashfall na laganap sa kalsada at sumasaboy sa mga sasakyan.

Ayon naman kay Roden Palomata, isang Disaster Risk Reduction Managment responder sa La Carlota City, tumigil na ang ashfall bandang alas-2 ng hapon.