Lalaki arestado matapos lapastanganin ang isang simbahan sa Taal, Batangas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki arestado matapos lapastanganin ang isang simbahan sa Taal, Batangas

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Arestado ang isang lalaki matapos lapastanganin ang isang simbahan sa bayan ng Taal sa Batangas nitong Martes.

Sa kuha ng CCTV, makikitang idineretso ng isang lalaki ang minamanehong motorsiklo sa loob ng Taal Basilica Martes ng umaga.

Ipinarada niya ang motorsiklo sa tapat ng altar, umupo sa upuan ng pari, itinaas ang mga paa, at pumalakpak pa.

Ayon kay Police Captain Rommel Magno, Officer-in-Charge ng Taal Municipal Police Station, hawak na nila ang lalaki matapos ireklamo ng simbahan. 

ADVERTISEMENT

"After the incident, dinala sa station, 'yung mga tao sa simbahan nandoon din. Iba 'yung ugali nung tao. 'Yung girlfriend umiiyak, ang sabi niya 'Hindi naman ganiyan 'yan, nag-bless sa tatay ko na hindi naman niya dati ginagawa'. Tapos ay iba 'yung galaw niya. Sinasabihan niya 'yung mga preso na 'mahihina kayong nilalang', 'gusto niyo magsuntukan tayo', para siyang may pinagdadaanan, parang depressed,” ani Magno.

"Sabi ng magulang, eh wala namang bisyo 'yan, hindi naninigarilyo at hindi umiinom ng alak. Sabi ng mga pari nakita na po ng mga obispo, siyempre po para hindi na pamaresan, at hindi na maulit, tuturuan ng leksyon. Hindi po gagawin ng normal na tao 'yun," dagdag pa ni Magno.

Ayon pa kay Magno, dadaan pa sa proseso para mapatunayan kung talaga ngang may mental disorder ang nasabing lalaki.

Patuloy naman nilang iniimbestigahan ang insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.