TV PATROL: Lalaki patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Iloilo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TV PATROL: Lalaki patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Iloilo

ABS-CBN News
Published Apr 07, 2025 07:48 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Sulangan sa Dumangas, Iloilo noong Sabado ng madaling araw. Sa CCTV video, dumating sa lugar ang biktimang nakamotorsiklo, at may angkas na kaibigan. Kasunod nila ang mga lalaking nakamotorsiklo rin. Bumaba ang nakaangkas na suspek at pinagbabaril ang biktima. Ilang beses pang pinaputukan ng salarin ang biktima kahit nakabulagta na. Sa imbestigasyon ng Dumangas Municipal Police, galing ang biktima sa pagdiriwang ng bisperas ng piyesta at ihinatid ang kaibigan pauwi. Isinugod siya sa ospital, pero hindi na umabot nang buhay. Iniimbestigahan na ang motibo at kung sino ang mga sangkot sa pamamaril. TV Patrol, Lunes, 7 April 2025

Read More:
TV Patrol
pinagbabaril
riding-in-tandem
Barangay Sulangan
Dumangas
Iloilo
CCTV
Dumangas Municipal Police
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT