Kapitan at Sangguniang Bayan candidate, patay sa barilan sa kampanya sa Abra | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kapitan at Sangguniang Bayan candidate, patay sa barilan sa kampanya sa Abra

ABS-CBN News,
April Rafales
Published Apr 07, 2025 10:16 PM PHT
|
Updated Apr 07, 2025 11:05 PM PHT

(UPDATED) Isa na namang insidente ng patayan ang naganap sa Abra mag-a-alas siyete ng gabi ng Lunes.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-ugat ang insidente nang mamataan ang barangay kagawad na si Rommel Apolinar malapit kung saan nagdaraos ng pangangampanya ang Team Asenso sa Barangay Nagtupacan, bayan ng Lagangilang, Abra.

Dahil kilalang kakampi ng kalaban na partidong Team Progreso si Apolinar ay nilapitan siya at sinuntok ni Sangguniang Bayan candidate Manzano Bersalona.

Agad umanong nagsumbong si Apolinar sa kapitan ng Barangay na si Lou Salvador Claro na kakampi rin ng Team Progreso.
Agad umanong nagsumbong si Apolinar sa kapitan ng Barangay na si Lou Salvador Claro na kakampi rin ng Team Progreso.
ADVERTISEMENT
Nagtungo si Claro sa lugar ng Team Asenso upang pahupain ang tensyon pero muli umanong sinuntok ni Bersalona si Apolinar na siya namang gumanti ng suntok kay Bersalona.

Dito na itinulak ni Bersalona ang kapitan at binaril nang ilang beses.

Samantala isang di pa nakikilalang salarin ang gumanti rin ng pamamaril kay Bersalona.

Parehong dead on arrival sa pagamutan sina Claro at Bersalona.

Ang Team Asenso at Team Progreso ang magkatunggaling partido sa probinsya ng Abra.

Ang Team Progreso at Team Asenso ang magkatunggaling partido sa probinsya ng Abra.

Ang Team Asenso ay pinamumunuan ni suspended governor Dominic Valera, habang ang team Progreso ay pinamumunuan naman ng magka-alyadong sina League of Municipalities of the Philippines President La Paz, Abra Mayor JB Bernos at ni former governor at ngayon ay nagbabalik bilang kandidato sa parehong posisyon na Eustaquio Bersamin.