P1.6-M hinihinalang shabu, nasabat sa Dasmariñas, Cavite | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P1.6-M hinihinalang shabu, nasabat sa Dasmariñas, Cavite

P1.6-M hinihinalang shabu, nasabat sa Dasmariñas, Cavite

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado ang dalawang magkaibigan sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Dasmarinas, Cavite.

Ayon kay Police Captain Polly Padios ng Dasmariñas Police, nagkasa sila ng operasyon sa Bgy. San Agustin 2, kung saang target nila dito si Alyas "Toyo".

Gamit ang P50,000 boodle money ay nakipagtransaksyon ang kanilang poseur buyer sa suspek. 

Pulis arestado sa pagbebenta umano ng droga sa Pasay
Nang magpositibo ang transaksyon ay nakumpiska nila mula sa kanya ang nasa mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

ADVERTISEMENT

 "Nagbebenta ng shabu ang suspect hindi lang sa Dasmarinas, kundi sa GMA at ibang lugar sa Cavite," sabi ni Padios.

Samantala, Sa kabilang barangay naman sa Bgy. Burol Main, kalaboso ang isa pang drug suspect sa hiwalay na buy bust operation.

 Narecover naman sa kanya ang 95 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P646,000. 

Aminado ang dalawang suspek na gumagamit sila ng ilegal na droga ngunit itinanggi nila na nagbebenta sila.

 Nakakulong na sa Dasmariñas City Police Custodial Facility ang mga suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.