Mga lalaki sa Antipolo na pinag-tripan ang may kapansanan nilang lola, inireklamo ng kaanak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga lalaki sa Antipolo na pinag-tripan ang may kapansanan nilang lola, inireklamo ng kaanak

Mga lalaki sa Antipolo na pinag-tripan ang may kapansanan nilang lola, inireklamo ng kaanak

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

Mga lalaki sa Antipolo na pinag-tripan ang may kapansanan nilang lola, inireklamo ng kaanak
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

RIZAL — Huli sa video ang panti-trip ng grupo ng mga lalaki sa isang babaeng senior citizen na PWD sa Barangay Dela Paz, Antipolo, Rizal noong Lunes ng gabi, March 31, 2025.

Sa viral na video sa social media na may mahigit 16 million views, makikitang nilapitan ng isang lalaki ang nakayukong senior citizen at hinawakan sa magkabilang braso at ini-angat baba ng ilang beses gamit ang kanyang tuhod.

Nang bitawan ng lalaki ay hawak-hawak ng senior citizen ang kanyang kaliwang braso habang naglalakad palayo.

Maririnig din sa video ang tawanan ng ibang lalaki.

ADVERTISEMENT

Ayon kay barangay chairman Jeff Fernan, magka-kaanak ang nasa video.

["N]apag-alaman natin na sila ay mga apo sa pinsan ni lola. Si lola kasi may mental disorder since birth na talagang kinalakihan nung mga kabataan na laging siya ang kalaro sa lugar niya," sabi ni Fernan. 

Nakasanayan man ang pakikipaglaro ng mga lalaki sa kanilang lola, pero sumobra na ito ayon sa barangay.

"'Yung video na nag-viral sumobra 'yung pagbibiro. Hindi na natin siya matawag na pagbibiro dahil 'yung ginawa nila ay nakakasakit na. Hindi kasi makapagsalita ng maayos si lola eh. Hindi rin niya naiintindihan 'yung nangyayari sa paligid niya," sabi ni Fernan.

Ikinagalit ng pamangkin ang ginawa sa kanyang tiyahin, na nag-alaga sa kanya noong bata pa siya.

ADVERTISEMENT

"Siyempre masakit. Hindi ko maipaliwanag 'yung naramdaman ko. Hanggang ngayon hindi ako makakain nang maayos sa sobrang galit. Naii-stress ako doon sa nangyari. Lagi daw nangyayari, ngayon lang na-videohan. Kung aware naman kami sasawayin namin 'yan," sabi ng nagreklamong pamangkin at nag-upload ng video.

"Sa paningin namin bilang pamilya, hindi biro 'yun eh. Kita niyo naman nasaktan 'yung matanda tapos may kapansanan pa siya sa pag-iisip," dagdag niya.

Isang oras matapos mai-post ang video sa social media, agad na ipinatawag sa barangay ang mga sangkot sa insidente na kinabibilangan ng apat na lalaki.

"Inexplain natin sa kanila na hindi sila libre sa ginawa nila. May karampatang kaparusahan sa batas na kailangan nilang panagutan. Against 'yun sa Republic Act 9442 or the Magna Carta for Person with Disability. May karampatang kaparusahan 'yan. Ang first offense niyan ay multa na P50,000 at pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na buwan hanggang dalawang taon," sabi ni Fernan.

Dagdag niya, humingi na ng tawad ang mga lalaki sa kanilang lola at kaanak.

ADVERTISEMENT

Sa kabila nito, desidido ang nagreklamong kaanak na mapanagot ang mga sangkot sa insidente kaya binigyan siya ng certificate to file action ng barangay para makapagsampa ng pormal na reklamo sa PNP.


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.