Kotse dumiretso sa loob ng supermarket sa Nueva Vizcaya; 3 sugatan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kotse dumiretso sa loob ng supermarket sa Nueva Vizcaya; 3 sugatan

Harris Julio,
ABS-CBN News
Published Apr 30, 2025 03:22 PM PHT

Sumalpok ang isang kotse sa supermarket sa Solano, Nueva Vizcaya, Martes ng gabi.

Sa imbestigasyon, magpa-park sana ang kotse sa kanlurang bahagi ng parking area ng supermarket sa Barangay Quirino.

Napansin ng drayber na mataas ang paradahan kumpara sa kalsada at para maiwasang masaldak o sumabit ang ilalim ng sasakyan ay diniinan umano niya ang silinyador, dahilan kaya biglang umarangkada ang sasakyan.

Tumalon ang kotse sa tire stopper o harang sa gulong ng parking space saka dumiretso papasok sa establisyemento.
Tumalon ang kotse sa tire stopper o harang sa gulong ng parking space saka dumiretso papasok sa establisyemento.
ADVERTISEMENT
Nabasag ang dalawang glass panel at nahinto lang ang sasakyan nang sumadsad ito sa Customer Service Cubicle.

Tatlong customer ang nasugatan na dinala sa Region 2 Trauma and Medical Center.

Isinugod din sa ospital ang drayber ng kotse na sisenta’y uno anyos na babae na nakaranas ng paninikip ng dibdib.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
Read More:
ABSNews
aksidente
vehicular accident
hatchback
sumalpok
parking lot
supermarket
Solano
Nueva Vizcaya
regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT