Swedish national na may kasong rape, timbog sa Pampanga | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Swedish national na may kasong rape, timbog sa Pampanga

MAYNILA — Napigilan ng National Bureau of Investigation ang isang Swedish national na makapambiktima ng mga bata sa bansa matapos maaresto dahil sa mga nakabinbing kasong rape sa Sweden.

Base sa ulat ng NBI-Violence Against Women and Children Division, dumating sa bansa ang suspek noong Marso 18 at may kausap siya na isang Pinay na nag-aalok ng mga bata.

“Sa Sweden po, meron siyang mga kasong rape at sexual abuse sa mga bata. Tapos dito napag-alaman natin nang dumating siya dito, may mga kausap siyang facilitator na nag-aalok din ng mga bata,” ayon kay Atty. Yehlen Agus, hepe ng NBI-VAWCD.

Nagsagawa ng surveillance ang mga operatiba sa tinutuluyan nitong hotel sa Angeles City, Pampanga.
Nagsagawa ng surveillance ang mga operatiba sa tinutuluyan nitong hotel sa Angeles City, Pampanga.
ADVERTISEMENT
“Sa coordination namin sa Swedish government, nag-issue na sila ng warrant doon sa mga previous cases niya, na-revoke ‘yung passport niya and this morning na-issuehan siya ng red notice,” sabi ni Agus.

“‘Yun naman ang naging basis namin para mag coordinate sa BI na tulungan kami na ma-issue-han siya ng mission order being an undesirable alien dito sa atin kaya kahapon ho, together with the BI, nahuli natin siya sa isang hotel sa Pampanga,” dagdag niya.

Ayon sa NBI, maituturing na isang pedophile ang suspek dahil tina-target niyang molestiyahin ang mga menor de edad.

Napag-alaman din na may mga hawak siyang malalaswang larawan at video ng mga batang inabuso niya. Nahaharap siya sa mga reklamong rape, gross sexual assault of a child, at child pornography.

“Considered na siya na pedophile kasi meron nga siyang nagalaw din na mga bata sa kanilang bansa. At ang iniisip namin, ‘yun ‘yung purpose ng pagpunta niya rito since may mga kausap siya na Filipina facilitiator at may mga batang inaalok ay pedophile talaga siya,” sabi ni Agus.

Itinanggi naman ng suspek ang mga alegasyon at sinabing nandito lang siya sa bansa kasama ng isang kaibigang dayuhan para magbakasyon.

“I’m just here for vacation. I’ve been here for two weeks. I’ve been here when the Swedish government cancelled my passport. This is all I know,” sabi niya.

Iniimbestigahan na ng NBI ang kasama niyang dayuhan at ang Pinay na kausap niya dito sa Pilipinas.