Pamilya pinaulanan ng bala sa Maguindanao del Sur; bata, patay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pamilya pinaulanan ng bala sa Maguindanao del Sur; bata, patay

ABS-CBN News,
Al Saludo
Published Apr 03, 2025 07:44 PM PHT

Patay ang 5 anyos na batang lalaki habang sugatan ang ibang kapamilya nito matapos na paulanan ng bala ang sinasakyan nilang kotse dakong 6:30 ng gabi ng Miyerkoles sa bahagi ng Barangay Macasampem, Guindulungan, Maguindanao del Sur.

Ayon sa Maguindanao del Sur PNP, 4 na hindi kilalang mga salarin ang nagpaulan ng bala habang sakay ang mga ito sa isang sasakyan na bumabagtas sa National Highway patungong Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao Del Sur.

Kahit may tama ng bala ang sugatang driver, nagawa pa nitong magmaneho papunta ng Datu Saudi Ampatuan kung saan agad naman silang dinala ng mga pulis sa IPHO Maguindanao.

Kinilala ang mga biktima na pawang mga residente ng Barangay Libutan, Mamasapano, Maguindanao Del Sur.

ADVERTISEMENT
Narekober ng mga pulis sa crime scene ang 11 basiyo ng hindi pa matukoy na uri ng baril.

Matapos na mabigyan ng medical attention ang mga biktima agad na dinala ito pauwi rin ng kanilang kamag-anak.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Guindulungan PNP upang matukoy ang mga salarin at ang motibo ng mga ito bakit pinaulanan ng mga bala ang mga biktima.