Ina patay sa sunog matapos subukang sagipin ang na-trap na anak | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ina patay sa sunog matapos subukang sagipin ang na-trap na anak

ABS-CBN News
Published Apr 03, 2025 11:18 AM PHT
|
Updated Apr 03, 2025 12:24 PM PHT

Nasawi ang isang 30-anyos na babae at kaniyang anak matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Rosales, Pangasinan, Martes ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nakalabas ng bahay sa Barangay Carmen West ang mga nakatira doon, kasama ang ginang.

Humingi siya ng tulong, pero binalikan ang natutulog na 10-taong-gulang na anak.

Pareho silang hindi na nakalabas ng buhay at natagpuan ang kanilang mga labi sa loob ng kwarto.

ADVERTISEMENT
Sugatan din ang isang senior citizen sa insidente.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog pero lumalabas na nagkaroon ng spark o pagputok sa kadikit na poste ng bahay ng mga biktima kaya nadamay ang kanilang tahanan.

Agad kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang bahay. Nadamay rin ang apat na katabing gusali at mga bahay.

Ayon sa BFP, tinatayang aabot sa P2.5 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog.

— Ulat ni April Rafales
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT