Aspin na may ID, 'empleyado' na sa isang hardware store | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Aspin na may ID, 'empleyado' na sa isang hardware store

ABS-CBN News,
Bayan Mo,
Ipatrol Mo,
Jofel Bayao,
BMPM Intern
Published Apr 03, 2025 04:37 PM PHT

Trending ang isang stray dog na inampon ng isang hardware store sa Montalban, Rizal at ngayon ay nakasuot pa na ID. Photo courtesy Edgar Bosito

MONTALBAN, Rizal - Kinagigiliwan ng netizens ang isang aspin na nakasuot ng ID na kamukha ng mga suot ng empleyado sa isang hardware store sa Montalban, Rizal.

Makikita sa bidyo ni Bayan Patroller Jackielyn Valencia, isang empleyado sa nasabing tindahan, ang asong si "Puti" na nagpapahinga kasama ang mga kanyang “co-workers” habang break time sa hardware store noong Marso 31.

Aniya, napakabait na aso ni Puti at hindi ito nangangagat ng mga empleyado ng hardware store pati ng customers.

Kuha naman ni Bayan Patroller Tara Dañas, isang mamimili sa hardware store, ang pakikisalamuha ni Puti sa kapwa aso.
Kuha naman ni Bayan Patroller Tara Dañas, isang mamimili sa hardware store, ang pakikisalamuha ni Puti sa kapwa aso.
ADVERTISEMENT
Bago pa man itinuring na kasamahan sa trabaho si Puti, isa siyang marungis na asong gala na tumatambay sa labas ng hardware store, Kuwento ni Edgardo Bosito, isa sa tatlong empleyado na unang kumupkop at nag-alaga sa aso.

Taong 2023 nang unang makita at simulang pakainin ni Bosito si Puti sa gilid ng hardware shop. Simula noon ay palagi nang nakasunod at nakaabang ang aso sa kanilang mga empleyado.

Dagdag ni Bosito, tinataguan dati ni Puti ang mga gwardya para makapasok sa hardware store.

Kalaunan, napamahal na rin si Puti sa lahat ng empleyado kabilang ang mga nasa management kaya nagdesisyon ang isang supervisor na papasukin na si Puti sa loob ng hardware sa oras na bukas ang shop. Aniya, kasama si Puti ng mga empleyado sa pagpasok sa umaga at paglabas ng shop sa gabi.

Ayon kay Anylyn Millapre, supervisor administrator ng nasabing hardware shop, Nobyembre 2024 nang maisipan nilang mga admin staff na bigyan ng sariling ID si Puti dahil matagal na itong pumapasok at tumatambay sa kanilang shop.

Dagdag ni Millapre, ang ID na binigay sa aso ay hindi opisyal na ID ng isang empleyado kundi pagkakakilanlan lang kay Puti bilang opisyal na aso ng hardware store.

Mula sa dating karton na pinagtutulugan, nabigyan ng hardware store ng maayos na higaan si Puti sa labas ng shop kasama ang pinagkakainan at pinag-iinuman, ayon pa kay Millapre.

Walang namang ikinakabahala ang mga empleyado o customers dahil bakunado at hindi nangangagat si Puti, ayon din kay Millapre.

Dagdag niya, isang beses kada linggo napapaliguan ang aso at dumudumi at umiihi lang ito sa mga dahunan sa labas ng hardware shop.

Nagpapasalamat ang mga empleyado ng hardware store na dumating sa kanilang buhay si Puti dahil ibang saya ang nadadala ng aso hindi lang sa kanila kundi pati narin sa mga customers.