Aso patay matapos hatawin at sunugin sa Bulacan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Aso patay matapos hatawin at sunugin sa Bulacan

Aso patay matapos hatawin at sunugin sa Bulacan

Bayan Mo,

Ipatrol Mo,

Shane Gamboa

Clipboard

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang aso mula sa Barangay Lias, Marilao, Bulacan matapos siyang hampasin ng sanga ng kahoy, kaladkarin, at sunugin ng isang lalaki.

Makikita sa video na ibinahagi ni Bayan Patroller Avelina Reyes ang paghataw ng lalaki sa asong nagngangalang “Bruz” nitong Biyernes. 

 


Agad namang nagsampa ng reklamo ang may-ari ng aso kasama si Reyes na tumayong eye witness. Bagama't kalauna'y umatras ang may-ari sa pagsampa ng kaso, nailapit ni bayan patroller ang kaso sa Humane Philippines, isang organisyong nangangalaga sa kapakanan at kaligtasan ng hayop.

Ang Humane Philippines na ang nagsilbing complainant sa kaso laban sa 'di pa pinapangalanang suspek.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Tirzah Lim, presidente ng Human Philippines, tumawag siya sa Marilao Police Station kinagabihan ng insidente para i-report ang kaso. Naisumite na rin ni Lim ang mga affidavit sa Provincial Prosecutor’s Office. 

“Animal cruelty is against the law. Kung hindi po sila gustong pakainin, alagaan, o ampunin, that’s fine. ‘Wag mo lang silang sasaktan kasi they also deserve respect as God’s creation,” paalaala ni Lim sa mga taong nang-aabuso sa mga hayop.

Sa tala ng Marilao police, 2018 nang unang makulong ang suspek dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nakalaya siya noong 2021.

Sabi ni PEMS. Noli Albis, mas mahigpit na ngayon ang batas ukol sa pananakit sa mga hayop.

“Huwag silang mang-aabuso ng mga alagang hayop kasi mahigpit ang batas diyan, may kalalagyan sila lalo ngayon madali na maka-report sa PNP ang mga residente,” sabi ni Albis.

Nakakulong Aniya ang suspek sa Marilao Police Station.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.