TV PATROL: Lalaki sugatan matapos sakmalin ng buwaya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TV PATROL: Lalaki sugatan matapos sakmalin ng buwaya

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Namimilipit sa sakit ang 29-taong gulang na lalaki matapos sakmalin ng buwaya sa loob ng hawla sa Kabug Mangrove Park and Wetlands sa bayan ng Siay sa Zamboanga Sibugay, kaninang umaga.

Makikitang tinutulak pa sa tubig ng buwaya ang lalaki at binabalibag.

Maging ang mga namamasyal, napapasigaw sa kanilang nakikita.

Ayon sa pulisya, mismong ang lalaki ang pumasok sa hawla at lumapit umano sa buwaya.
Ayon sa pulisya, mismong ang lalaki ang pumasok sa hawla at lumapit umano sa buwaya.
ADVERTISEMENT
"Nagpasyal siya sa area then nakita niya yung crocodile, in-expect niya na laruan lang. Pumunta siya sa bakod ng crocodile, pumasok siya, tapos nakagat siya ng crocodile," sabi ni PSSgt. Joel Sajolga ng Siay MPS sa ABS-CBN News.

Sa pagtutulungan ng pulisya, municipal disaster rescue team, at ng may-ari ng buwaya, nasagip ang lalaki.

Isinugod sa ospital ang biktima matapos magtamo ng mga sugat sa katawan.

"Okay naman siya at naisugod sa ospital kanina, pero may sugat siya sa kanyang binti at balikat," ani Jonalyn Vidad na nakakita sa pangyayari.

Ayon sa pulisya, may mga nagbabantay naman sa park, pero biglaan umano ang pagpasok ng lalaki sa hawla ng buwaya.

May deperensya rin umano sa pag-iisip ang biktima, ayon sa pulisya.