Badjao community sa Batangas, nasunog; halos 100 pamilya nawalan ng bahay | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Badjao community sa Batangas, nasunog; halos 100 pamilya nawalan ng bahay

MAYNILA — Halos 100 pamilya ng mga katutubong Badjao ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab bago maghatinggabi nitong Linggo sa Sitio Badjaoan sa Barangay Malitam, Batangas City.

Ayon sa Batangas City Fire Station, nagsimula ang sunog bandang 11:38 ng gabi nitong Linggo at naapula bandang 2:15 ng madaling araw ng Lunes.

Batay sa inisyal na report ng Batangas City Social Welfare Office, nasa 66 bahay na pawang gawa sa light materials ang natupok sa sunog.

Nasa tabing-dagat ang mga bahay ng Badjao na nasunog kaya malakas ang hangin na nagpabilis sa pagkalat ng apoy.
Nasa tabing-dagat ang mga bahay ng Badjao na nasunog kaya malakas ang hangin na nagpabilis sa pagkalat ng apoy.
ADVERTISEMENT
Wala namang nasaktan sa nangyaring sunog at patuloy pang iniimbestigahan ang pinagmulan nito.