PNP nananawagan sa suspek sa pamamaril sa 2 estudyante sa milk tea shop sa Bulacan na sumuko na | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PNP nananawagan sa suspek sa pamamaril sa 2 estudyante sa milk tea shop sa Bulacan na sumuko na

PNP nananawagan sa suspek sa pamamaril sa 2 estudyante sa milk tea shop sa Bulacan na sumuko na

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Nananawagan ang San Jose Del Monte Police sa suspek sa pamamaril sa dalawang criminology student sa isang milk tea shop sa San Jose Del Monte, Bulacan, noong April 21, 2025, na mag-voluntary surrender na at harapin ang kinasasangkutang krimen. 

Pormal nang nasampahan ng kasong two counts of murder ang suspek. 

Ayon sa San Jose Del Monte Police, dawit din sa kaso ang asawa at anak ng suspek na kasama niya sa lugar kung saan naganap ang pamamaril. 

Nagpapatuloy ang manhunt operation ng pulisya para tuluyan nang maaresto ang mga responsable sa krimen. 

ADVERTISEMENT

Una nang sinabi ng PNP na tukoy na nila ang pagkakakilanlan ng suspek. 

Nagpapaalala naman ang PNP sa publiko na maging mahinahon sa anumang pagkakataon at huwag pairalin ang init ng ulo na siya anilang makapaguudyok sa paggawa ng maling bagay na habang buhay pagsisisihan at pagdudusahan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.