Yolanda survivors nag-alay ng misa para kay Pope Francis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Yolanda survivors nag-alay ng misa para kay Pope Francis

Yolanda survivors nag-alay ng misa para kay Pope Francis

Sharon Evite,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 26, 2025 04:13 PM PHT

Clipboard

Yolanda survivors nag-alay ng misa para kay Pope Francis
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

TACLOBAN -- Habang nagluluksa ang buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis, nagkaisa naman ang mga Yolanda survivors para magbigay-pugay sa isang lider ng simbahan na maituturing na naging ilaw ng pag-asa sa gitna ng dilim.

Kung kaya isang misa ang iniaalay ngayon sa Tacloban DZR Airport Tarmac, sa mismong lugar kung saan nag-misa ng Santo Papa, sampung taon na ang nakararaan, noong January 17, 2015. 

Hindi lang Yolanda survivors mula Tacloban ang dumalo sa misa -- may mga galing din sa ibang bahagi ng Eastern Visayas. 

Pinatigil din muna ang pagtratrabaho ng mga nagtatayo ng bagong Tacloban DZR Airport Terminal para makadalo din sila sa misa. Ipinagpapasalamat ito ng mga construction workers bilang Yolanda survivors, dahil sa huling pagkakataon nakapagpaabot sila ng pasasalamat sa Santo Papa na nakiramay sa kanila matapos ang super bagyo. 

ADVERTISEMENT

Si Maria Quintana, isang 71-taong gulang na Yolanda survivor mula sa Dulag, Leyte, ay bumiyahe papunta sa Tacloban para makadalo misa para sa paglibing sa Santo Papa. Sabi ni Maria, hindi niya makakalimutan ang pagiging simple ni Pope Francis na sumasalamin sa buhay ng mga simpleng tao kagaya niya. 

Para sa mga dumalo sa misa ngayon, ito ay hindi lang dasal ng lungkot, kundi dasal ng pasasalamat at isang papuri para sa isang buhay na itinaya para sa pagmamahal at serbisyo sa kapwa.

Para sa mga taga-Tacloban at buong Eastern Visayas, si Pope Francis ay hindi lang pinuno ng Simbahang Katolika -- siya ay parang tatay. Dumamay siya matapos ang Super Typhoon Yolanda noong 2013.

Dumating siya sa Tacloban sa gitna ng pagnanalasa ng Bagyong Amang at kahit maikli lang ang oras, nagdala siya ng mensahe ng pag-asa, pakikiramay, at pagmamahal.

Hindi makakalimutan ng mga Yolanda survivors ang araw na 'yon. Gaya ng mga dumalo sa misa noong 2015 dito sa Tacloban Airport Tarmac, nabasa din sa ulan at nagsuot din ng dilaw na poncho ang Santo Papa, pero buo ang puso niyang nakinig, nagdasal, at niyakap ang mga Yolanda survivors.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.