TV PATROL: 1 patay, 39 sugatan sa pagbangga ng bus sa arko | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TV PATROL: 1 patay, 39 sugatan sa pagbangga ng bus sa arko

TV PATROL: 1 patay, 39 sugatan sa pagbangga ng bus sa arko

ABS-CBN News

Clipboard

TV PATROL: 1 patay, 39 sugatan sa pagbangga ng bus sa arko
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Isa ang patay habang 39 ang sugatan matapos bumangga ng isang pampasaherong bus sa arko o boundary marker ng La Union at Benguet Huwebes ng hapon. 

Sa lakas ng pagkakabangga sa arko na gawa sa semento, nayupi ang harapang bahagi ng bus at naipit ang driver at kunduktor nito. 

Agad na rumesponde ang rescue teams mula sa dalawang probinsya at isa-isang inilabas ang mga sugatang pasahero. 

Inabot naman ng gabi bago nailabas ang naipit na driver at konduktor. Ayon sa pulisya, papuntang La Union ang bus nang lumihis ito ng linya, at tuloy-tuloy na bumangga sa arko ng Sablan, Benguet at Burgos, La Union. 

ADVERTISEMENT

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. Agad dinala sa pagamutan ang mga sugatan Kabilang ang pitong buwang gulang na sanggol at ilang senior citizen. TV Patrol, Biyernes, 25 Abril 2025

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.