Fixer at pekeng 'retired judge' timbog sa pangingikil sa Baguio City | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Fixer at pekeng 'retired judge' timbog sa pangingikil sa Baguio City

Fixer at pekeng 'retired judge' timbog sa pangingikil sa Baguio City

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Kalaboso ang isang babaeng nagpanggap na retired judge at kasabwat nito matapos mangikil ng pera sa mag-asawang senior citizen sa Baguio City.

Base sa salaysay ng mga biktima sa NBI, may nakabinbin silang land dispute case sa Isabela, kaya nilapitan sila ng isang middleman na tutulong umano sa kaso. 

Sinabi niya na may kakilala siyang retired judge na may malakas na koneksyon sa Court of Appeals at Supreme Court.

“‘Yung RTC judge na ‘yun, na retired po, siya na [raw] pong bahala para ilakad ‘yung appealed case nila in order for them to obtain a favorable decision sa appeal nila,” ayon kay Romano Pangan, Senior Agent ng NBI-Cordillera Administrative Region (NBI-CAR). 

ADVERTISEMENT

Aabot sa P200,000 ang kabuuang bayad na hinihingi sa kanila ng middleman pero naningil muna ito ng P30,000 para sa umano’y “slot” sa kaso.

Matapos ang ilang araw, muling nangulit ang middleman kaya nagduda na ang mga biktima.

“May kakilala sila doon sa City Prosecutor's Office na retired staff din. Sinabi niya na hindi ganun ‘yung ugali niya, hindi siya ganun klaseng judge. Maganda ‘yung reputation niya as a public servant,” sabi ni Pangan. 

Personal din na nakausap ng mga biktima ang tunay na judge na sinabing ginagamit lang ang kanyang pangalan.

Sa ikinasang entrapment operation, unang naaresto ang middleman na patuloy pa rin sa panloloko dahil hindi niya alam na kaharap na niya ang tunay na judge.

ADVERTISEMENT

Nakipagkita rin ang nagpapanggap na judge para kunin ang balanse mula sa mga biktima, at pagkatanggap ng pera, inaresto rin siya.

Matapos mahuli, may tatlo pang mga biktima ng dalawang suspek ang dumulog sa NBI para magsampa ng reklamo.

“Mas okay ‘pag dumadaan tayo sa legal process talaga. Kasi at least ko ‘yun, alam natin na ‘yun talaga ‘yung nasa batas. May procedure ho kasi tayo when it comes to these cases, so we have to follow it,” paalala ni Pangan.

Nahaharap ang mga suspek sa mga reklamong robbery-extortion at cyber libel.

KAUGNAY NA VIDEO



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.