Jeepney driver patay matapos barilin sa loob ng terminal sa Antipolo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jeepney driver patay matapos barilin sa loob ng terminal sa Antipolo

Jeepney driver patay matapos barilin sa loob ng terminal sa Antipolo

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang 55-anyos na driver ng modern jeepney matapos barilin sa terminal sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo Rizal, kung saan siya dapat papasada nitong Miyerkules ng madaling-araw. 

Sa CCTV, makikita ang isang lalaki na nakasuot ng helmet, naka-facemask at nakalagay ang kamay sa likod. Pumasok siya sa loob ng terminal kung saan naroon ang biktima 

Sa isang anggulo ng CCTV, makikita naman na nakaupo sa lamesa ang biktima at nagsi-cellphone nang lapitan ng suspek. Sinilip pa ng suspek ang mukha ng biktima at tuluyang pinaputukan ng baril. Agad bumagsak sa kinauupuan ang biktima at tumakbo palabas ang suspek.

Ayon sa barangay, pasado alas-3 ng madaling-araw ng Miyerkules itinawag ng mga taga-terminal ang insidente sa pulisya. Agad namang rumesponde ang Philippine National Police at Barangay Public Safety Officer.

ADVERTISEMENT

"Pagdating nila roon nakita nila binubuhat na at duguan na po 'yung biktima. Sa initial investigation po ng PNP, di umano 'yung biktima at suspek ay may nakaraang pagtatalo," sabi ni Merlinda Armas, secretary ng Barangay Sta. Cruz.

Sa ginawang backtracking sa CCTV ng barangay, napag-alamang galing sa Masinag ang suspek at isa pang sakay ng motorsiklo na huminto sa harapan ng terminal.

"Nung nabaril na po doon din ang way nya pa-Masinag din po. Mayroon po siyang kasamang rider, dalawa po sila, magka-angkas. 'Yung naka-angkas siya 'yung pumunta sa suspek po," sabi ni Jona Guban, team leader ng Barangay Sta. Cruz Public Safety Office.

Ayon sa kasamahan ng pinaslang na driver ng modern jeepney, isang driver at kahera ang nasa terminal nang mangyari ang insidente. Natutulog umano ang dalawa at nagulantang nang makarinig ng putok ng baril.

"Total shock po talaga kasi ako galing pa sa itaas napababa po talaga rito. Wala naman po problema sa pag-uugali niya at since traditional jeepney pa po andito na siya. Sana po mahuli na. Mamatay na siya. Masyadong brutal 'yung ginawa niya. Pinapaubaya na po namin sa mga pulis," sabi ng kasamahan ng biktima sa terminal.

Patuloy na iniimbestigahan ng PNP ang insidente habang nagsasagawa na rin sila ng manhunt operation para matunton ang mga responsable sa krimen.


IBA PANG ULAT: 

IBA PANG ULAT: 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.