3 bata patay sa sunog sa Calumpit, Bulacan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 bata patay sa sunog sa Calumpit, Bulacan

3 bata patay sa sunog sa Calumpit, Bulacan

Dabet Panelo,

Bayan Mo,

Ipatrol Mo,

ABS-CBN News

Clipboard

Tatlong bata na may mga edad isa, tatlo, at lima ang nakulong at namatay sa loob ng kanilang bahay na nasunog noong hatinggabi ng Miyerkules, Abril 23, 2025 sa Bgy. Gatbuca, Calumpit, Bulacan. 

Kuwento ng kaibigan ng nanay ng mga bata na si Bayan Patroller Jhenny Aguilar Carlos, magkasama pa silang magkaibigan sa isang burol nang may marinig silang sumisigaw at humihingi ng tulong sa bumbero. Tumakbo silang magkaibigan pauwi sa bahay pero hindi na sila nakapasok dahil makipot ang eskinita.
Higit 300 pamilya nasunugan sa Port Area, Maynila

 Ayon pa kay Patroller, maaaring ang sinindihang kandila ng nanay ng mga bata bago umalis ng bahay ang naging sanhi ng sunog.

 Sa ibinahaging bidyo ni Bayan Patroller Jhenny, makikitang nakasakay na sa stretcher at may takip na kumot ang mga bata nang ilabas mula sa nasunog na bahay at isinakay sa ambulansya.

ADVERTISEMENT

 Ayon kay Bayan Patroller Jhenny, pina-cremate na ng kapitan ang katawan ng mga bata at nakaburol ang mga nasawi sa barangay hall ng Gatbuca.

 Ayon naman kay Fire Officer 1 Patrick John Mandap, dalawang magkatabing bahay ang natupok ng apoy. 

 Umabot lang sa unang alarma ang sunog na nag-umpisa ng 11:17 p.m. Naapula agad ang apoy bandang 11:40 p.m. ng dalawang fire trucks mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) Calumpit at isang fire truck mula  sa volunteers ng Bulacan Rescue.

 Ayon naman kay FO1 Melanie Eicao ng BFP Calumpit Arson Department, iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.