Bangkay ng isang lalaki, natagpuan sa isang kanal sa Bgy. Cupang, Antipolo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkay ng isang lalaki, natagpuan sa isang kanal sa Bgy. Cupang, Antipolo
MAYNILA -- Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa gilid ng kanal sa Barangay Cupang, Antipolo nitong Miyerkules.

Ayon sa Calabarzon police, isang residente ang nakakita sa bangkay ng lalaki na duguan ang ulo, bandang alas-2:25 ng madaling-araw.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng barangay at Antipolo City Police Community Precinct 1 sa pinangyarihan ng krimen.

Sa CCTV mula sa barangay, makikitang naglalakad ang apat na lalaki sa Purok 4.
Sa CCTV mula sa barangay, makikitang naglalakad ang apat na lalaki sa Purok 4.
ADVERTISEMENT
Maya-maya pa, narinig na sa CCTV na may nagsabi na “please wala akong kasalanan,” kasunod ng tatlong putok ng baril.

Makalipas ang ilang minuto ay tatlo nalang sa mga lalaki ang naglakad paalis sa lugar.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente pero kinumpirma ng mga taga barangay na hindi residente sa lugar ang biktima.