5 sugatan sa pagsalpok ng dump truck sa isang bahay sa Teresa, Rizal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 sugatan sa pagsalpok ng dump truck sa isang bahay sa Teresa, Rizal

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

5 sugatan sa pagsalpok ng dump truck sa isang bahay sa Teresa, Rizal
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Lima ang sugatan matapos sumalpok ang dump truck sa isang bahay sa kahabaan ng Corazon Aquino Avenue sa Barangay San Gabriel, Teresa, Rizal, Martes ng madaling araw, April 22, 2025.

Ayon sa Teresa Police, galing sa Antipolo ang truck na puno ng buhangin at papunta sana sa Morong, Rizal.

"Pagdating dito sa Teresa, ang sabi ng driver naramdaman niya na nawalan ng preno. So sa sobrang bigat nung truck na puno ng buhangin, hindi niya na-control kaya bumangga sa isang bahay," sabi ni Police Major Edzel Macasero, Chief of Police ng Teresa Municipal Police Station.

Nagtamo ng minor injuries ang drayber ng truck at kasamang pahinante.

"'Yung driver na-trap siya sa truck ni-rescue pa nga siya. Injured din siya eh, kasama 'yung helper na na-trap," sabi ni PMaj. Macasero.

Pahirapan naman ang  pag-rescue sa tatlo pang sugatan kabilang ang mag-asawa at kanilang anak na nasa loob ng nabanggang bahay.

"Dinaan sila sa taas kasi walang madaanan dahil natakpan 'yung kanilang pintuan kaya doon sila sa taas ng bubong na idinaan ng mga nag-rescue," sabi ni Arnel Caliwan, officer-in-charge ng Teresa Office of Public Safety and Services.

Kwento ng isa sa mga biktima, nanonood lang silang mag-anak sa sala nang biglang bumagsak ang ikalawang palapag ng kanilang bahay. Nagtamo sila ng mga pasa sa katawan matapos mabagsakan ng mga debris mula sa gumuhong bahagi ng bahay.

"Noong ko lang po nalaman nung kami ay lumabas na, na may truck, akala namin lumindol  or bumagsak 'yung bahay namin. Meron pa po akong takot o nerbyos, hindi ko pa po maintindihan kasi panay bugbog pa po 'yung katawan namin dahil sa nalaglag na kahoy na mabibigat," sabi ni Mila Tamayo, isa sa mga biktima.

Nakalabas na sa ospital ang mga biktima matapos sumailalim sa medical examination.

Hindi na nagsampa pa ng reklamo ang mga biktima laban sa suspek matapos na magkasundo na sasagutin ng kumpanya ng truck ang lahat ng gastusin sa ospital maging ang pagsasaayos ng napinsalang bahay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.