Lutuan na hindi umano napatay nang maayos, sanhi ng grass fire sa Batangas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lutuan na hindi umano napatay nang maayos, sanhi ng grass fire sa Batangas

Dabet Panelo,

ABS-CBN News

Clipboard

Lutuan na hindi umano napatay nang maayos, sanhi ng grass fire sa Batangas
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Isang lutuan na hindi umano napatay nang maayos ang itinuturong dahilan ng grass fire sa San Nicolas, Batangas noong Martes, ika-1 ng Abril.

Ang pinaglutuan ng pagkain ng mga bantay ng palaisdaan sa paligid ng Taal Island  ang sinasabing sanhi ng malawakang sunog, ayon kay Senior Fire Officer 2 Norman Signo, chief operations officer ng San Nicolas Fire Station.

Ayon kay Signo, malaki ang posibilidad na nilipad ng malakas na hangin ang alipato o ang embers sa pinaglutuan ng mga bantay kaya lumaki ang sunog sa isla.

Binantayan ng mga rumesponde ang ang isla mula kahapon hanggang namatay ang apoy nitong Miyerkoles ng umaga, ani Signo.

ADVERTISEMENT

Kasama nila sa pagbabantay ang Provincial Disaster Risk Reduction Managment Office ng Batangas, Municipal Disaster Risk Reduction Managment Office ng San Nicolas, Philippine Coast Guard, Maritime Police ng Lemery, at Philippine National Police-San Nicolas.

Sa ibinahaging bidyo ng residente ng Agoncillo na si Bayan Patroller Marlon Dela Luna, makikita ang bahagi ng Taal Volcano Island na apektado ng grass fire kung saan naglalakihang mga apoy ang lumalamon sa lugar pasado alas-6 ng gabi ng Martes.

Sa isa pang video na kuha nitong alas-7 ng umaga ng MIyerkoles, umuusok pa ang ilang tuyong sanga at damo sa paligid.

Ayon kay Dela Luna, pinapayagan silang bumisita sa isla para bantayan ang fish cages.

Noong Enero 15, 2020, matatandaang idineklara ng dating pangulong Rodrigo Duterte ang Taal Volcano Island na "no man's land" na nagbabawal sa mga residente na manirahan dito matapos ang pagsabog ng bulkan noong Enero 12, 2020.

Para kay Signo, maiiwasan ang mga pangyayari tulad ng grass fire kung mahigpit na isakakatuparan ang patakarang 'no man's land' sa Taal Volcano Island.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.