Grass fire sa Taal Volcano Island naapula matapos ang 21 oras | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Grass fire sa Taal Volcano Island naapula matapos ang 21 oras

Grass fire sa Taal Volcano Island naapula matapos ang 21 oras

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Naideklarang fire out ang sunog sa Taal Volcano Island nitong Miyerkoles ng umaga o makalipas ang higit 21 oras. Umabot ng higit 5 ektarya ang lawak ng sunog. Courtesy of PCG Southern Tagalog

MAYNILA — Umabot sa higit 5 ektarya ang lawak ng grass fire sa Taal Volcano Island na nagsimula Martes ng tanghali at naapula matapos ang 21 oras.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Calabarzon spokesperson Reyan Derrick Marquez, magsasagawa sila ng aerial inspection para makita ang iniwang pinsala ng grass fire. 

“Nagpe-prepare kami ngayon ng assessment team para ma-check yung pinaka naging damage,” sabi ni Marquez.

Inaalam pa ng OCD-Calabarzon kung naapektuhan ang monitoring station ng Phivolcs sa naturang lugar. 

ADVERTISEMENT

Ayon sa Phivolcs, unang nai-record ng kanilang mga IP Camera ang sunog bandang 11:24 ng umaga sa may timog kanluran bahagi ng Taal Volcano Island kung saan direktang apektado ang Binintiang Munti Observation Station.

“Ang iche-check natin yung monitoring station kung naapektuhan kasi nawala, hindi nakapag-send ng data initially pero bumalik din naman ala-sais, ala-syete, kung baga nakapag-transmit ulit ng data," dagdag ni Marquez.

Hanggang Martes ng gabi ay makikita sa video ang malaking apoy na tumutupok sa malaking bahagi ng isla.

Bandang 9 a.m. nitong Miyerkules ay naideklara nang fire out ang sunog.

Nagtulong-tulong ang mga bumbero mula sa San Nicolas Fire Station, Coast Guard San Nicolas at Agoncillo stations kasama ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa pag-apula sa sunog.

ADVERTISEMENT

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng apoy.

Idineklara ng gobyerno na permanent danger zone ang Taal Volcano Island matapos ang pagputok ng Bulkan Taal noon January 12, 2020.

Hindi na pinayagan ang mga residente na makabalik sa isla pero may ilang mga kubo na itinayo sa isla para maging pahingahan ng mga mangingisda na nagbabantay sa mga fish cage.

KAUGNAY NA VIDEO



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.