6 sugatan matapos sumalpok ang sinasakyang kotse sa poste sa Tanay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
6 sugatan matapos sumalpok ang sinasakyang kotse sa poste sa Tanay

Aksidente sa Tanay, Rizal kung saan anim ang nagtamo ng sugat, Abril 2, 2025. Retrato mula sa Tanay PNP

TANAY, RIZAL- Sugatan ang isang babae at limang lalaki matapos bumangga ang sinasakyan nilang kotse sa isang poste sa Barangay Plaza Aldea, Tanay, Rizal, Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gaylor Pagala, Hepe ng Tanay Municipal Police Station, binabaybay ng kotse ang Tanay-Sampaloc Road nang bumangga ito sa isang poste sa kanang bahagi ng kalsada.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nabasag ang windshield at nayupi ang harapang bahagi ng kotse.

Agad namang dinala sa ospital ang mga nasugatan upang malapatan ng paunang lunas.
Agad namang dinala sa ospital ang mga nasugatan upang malapatan ng paunang lunas.
ADVERTISEMENT
Ayon sa pulisya, kalaunan ay nakalabas na ng ospital ang apat sa kanila habang nagpapagaling pa rin ang dalawa.