3 patay sa banggaan ng sasakyan sa Bacolod, prusisyon nadamay din | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 patay sa banggaan ng sasakyan sa Bacolod, prusisyon nadamay din

3 patay sa banggaan ng sasakyan sa Bacolod, prusisyon nadamay din

Romeo Subaldo,

ABS-CBN News

Clipboard

Bacolod City Hall. ABS-CBN News/FileBacolod City Hall. ABS-CBN News/File

BACOLOD CITY — Umabot na sa tatlo ang patay habang 16 ang sugatan nang banggain ng isang Multi Purpose Vehicle ang  isang tricycle at madamay pa ang mga nagpu-prusisyon sa highway ng Barangay Alangilan sa Bacolod City nitong Biyernes Santo.

Ayon sa PNP, kinilala ang namatay na sina Jonel Solano na isang lay minister. Siya ang nagmamaneho ng tricycle na nabangga ng MPV.

Patay rin ang dalawa pang sakay ng tricycle na kinilalang si Gilven Tanique na isang barangay tanod at isang Dynah Plohinog.

Bago ang insidente, una nang nahimatay sa prusisyon ang biktimang si Plohinog. Si Tanique naman ang nagbuhat sa kanya para maisakay sa tricycle.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Police Col. Joeresty Coronica na hepe ng Bacolod City Police Office, pabalik na sa unahan ng prusisyon ang tricycle nang mabangga ng isang Innova na minamaneho ni Jagpreet Singh, isang Indian national.

Matapos mabangga ang tricycle tumilapon ito sa PNP patrol car at nasagasaan ang mga nasa unahan ng prusisyon.

Samantala, kinumpirma ni Coronica na nag-positibo sa alcohol test ang Indian national na nagmamaneho.

Pero itinanggi ni Singh na naka-inom siya.  Pain reliever lang daw ang ininom niya.  

Dagdag pa ni Singh, naagaw ng tricycle ang kanyang lane kaya niya ito nabangga. 

ADVERTISEMENT

Tumakas lang daw siya dahil natakot siya sa dami ng tao na naroon sa insidente.

Sa mga isinugod sa ospital, ayon sa PNP, 13 pa ang nananatili sa pagamutan habang tatlo naman ang nakalabas na.

Ayon sa PNP, mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries at damage to property si Singh.

IBA PANG ULAT



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.