Prusisyon sa Bacolod City, binangga ng sasakyan; 2 patay, 9 sugatan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Prusisyon sa Bacolod City, binangga ng sasakyan; 2 patay, 9 sugatan

ABS-CBN News,

Romeo Subaldo

 | 

Updated Apr 19, 2025 12:49 AM PHT

Clipboard

(UPDATED) Dalawa na ang patay nang banggain ng isang multi purpose vehicle (MPV) ang isang prusisyon sa highway ng Barangay Alangilan sa Bacolod City nitong Biyernes Santo.

Kinumpirma ni Bacolod City Police Office Director Police Coronel Joeresty Coronica na nasawi na din ang isa sa sampung tao na isinugod sa pagamutan.

Una nang nasawi ang isang lalaki na pasahero ng tricycle.

Kwento ng mga tanod na nag-assist sa prusisyon, unang binangga ng sasakyan ang isang tricycle, isang patrol car ng pulisya na umaalalay sa prusisyon at mismong ang kalahok ng prusisyon.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pulisya, nasa unahan ng prusisyon ang tricycle dahil isinakay dito ang isang kasama sa prusisyon na sumama ang pakiramdan.

Ayon sa mga nakakita karamihan sa mga dinala sa ospital ay mga menor de edad na mga sakristan.

Nakuha pa umano ng Indian national na drayber na tumakas pero nahuli din siya ng mga pulis at ang kanyang mga kasamahan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.