Bagong henerasyon, itutuloy pa rin ang tradisyon ng Senakulo sa Bataan at Cavite | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong henerasyon, itutuloy pa rin ang tradisyon ng Senakulo sa Bataan at Cavite

Bayan Mo,

Ipatrol Mo,

Shane Gamboa,

BMPM Intern

Clipboard

Bagong henerasyon, itutuloy pa rin ang tradisyon ng Senakulo sa Bataan at Cavite
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ikatlong henerasyon na si Bayan Patroller John Cedric Manansala ng mga gumaganap sa Senakulo sa Barangay Wawa sa Pilar, Bataan.

Ngayong Semana Santa, ipinagpapatuloy niya at ng mga kabarangay ang limang dekadang tradisyon ng Senakulo na ayon sa kaniya ay nagpapakita ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa mula sa kwento ng pagpapakasakit ni Hesus.

Sa ibinahaging video ni Manansala, makikitang nag-eensayo ang mga residente bilang paghahanda sa pagtatanghal nila sa darating na Huwebes at Biyernes Santo.

Ibinahagi rin niya na tatlong taon na siyang gumaganap bilang Poncio Pilato.

ADVERTISEMENT

“Ang karanasan ko sa pagganap ko sa Senakulo taon-taon ay nakaka-overwhelm dahil ito ay panata na taon-taon kong isinasabuhay at pinapahalagahan bilang isang Kristiyano,” aniya.

Para sa taong 2025, tatlong pagtatanghal ang itinakda ng grupo na mapapanood din ng live sa Facebook account niya.

Samantala, kwento naman ni Bayan Patroller Christian Vargas ay sold out ang limang gabing pagtatanghal ng Senakulo sa Frassinetti Hall ng Mary Immaculate Parish sa Barangay Salawag sa Dasmariñas City, Cavite.

Ang mga pagtatanghal ng Senakulo sa ilalim ng Diocese of Imus ay mahigit dalawang dekada nang tradisyon na isinasagawa sa mga kalye pero ngayong 2025 lang inilunsad sa entablado.

Mapapanood sa bidyo mula kay Hans Mecate ang pagsasadula ng mga aktor na isinasabuhay ang pananaw ni Ina Maria Immaculada, ang Patrona ng kanilang parokya. Isang makabuluhang pagninilay-nilay na nagpapakita ng pananampalataya ng isang ina.

Ayon kay Vargas, ang kabuuang kita sa mga pagtatanghal ay mapupunta sa pondo ng kanilang Immaculate Youth Ministry na gagamitin upang ilunsad ang kanilang mga proyekto ngayong taon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.