LTFRB: Kaskaserong driver sa La Union bumiyahe pa rin kahit viral na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

LTFRB: Kaskaserong driver sa La Union bumiyahe pa rin kahit viral na

LTFRB: Kaskaserong driver sa La Union bumiyahe pa rin kahit viral na

Rowegie Abanto,

ABS-CBN News

Clipboard

LTFRB: Kaskaserong driver sa La Union bumiyahe pa rin kahit viral na
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Bumiyahe pa rin ang kaskaserong driver sa La Union kahit nag-viral na ito sa social media, sabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ngayong Miyerkules.

Ani LTFRB spokesperson Ariel Inton, in-impound na nila ang bus na ginamit ng sinasabing kaskaserong driver dahil "bumabiyahe pa rin" aniya ang driver kahit viral na siya.

Sa isang viral video, maririnig na umiiyak at nagmamakaawa ang isang ginang na ibaba na sila ng kaskaserong bus driver dahil sa delikadong pagmamaneho nito. Ang iba pang pasahero ay galit na pinapatigil ang bus.

Galing ng Vigan, Ilocos Sur at papuntang Carmen, Pangasinan ang bus na may higit 30 sakay.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, agad sinuspinde ng LTFRB Region-1 ang bus operator. Isasailalim din sa mandatory drug testing ang driver at konduktor ng bus. 

Pumalag naman ang driver ng bus at sinabing mabagal lamang ang kanyang takbo. Giit ng driver na si Louie Burgos, ang bus sa kanilang harapan ang nanggitgit at umiwas lang siya.

Ayon naman sa LTFRB Region-1 office, masusi nilang iimbestigahan ang insidente at aalamin kung nalagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero.  

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.