5.7 magnitude na lindol sa Sarangani, ramdam sa Tacurong City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5.7 magnitude na lindol sa Sarangani, ramdam sa Tacurong City
Bayan Mo,
Ipatrol Mo,
Jhenel Cao
Published Apr 16, 2025 06:52 PM PHT

SULTAN KUDARAT — Kita sa CCTV footage ang pagyanig sa Barangay Calean sa Tacurong City, Sultan Kudarat matapos maitala ang 5.7 magnitude na lindol sa Maitum, Sarangani 5:42 a.m. ng Miyerkules, Abril 16, 2025.

Sa CCTV footage na ibinahagi ni Bayan Patroller Laurence Colon Pedrosa, makikita ang pagyanig ng lupa at paggalaw ng mga kagamitan sa labas ng kanilang gate at terrace.

Ayon kay Pedrosa, walang nasaktan o napinsala sa kanilang bahay.

Kinumpirma rin ni Clifford Narvaez, Operations and Warning Section chief ng City Disaster Risk Reduction Management Office ng Tacurong City, na walang naapektuhang pamilya o gusali sa siyudad.

Samantala, ayon kay Paulo Vidal ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Maitum, nagsagawa na ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) ang ahensya bandang 8 a.m. hanggang 10 a.m. at walang naitalang epekto ng lindol sa 19 na barangay sa Sarangani.