'Tao Po': Liwanag at Dunong—Mga anghel ng Sitio Kalangitan sa Capas, Tarlac | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tao Po': Liwanag at Dunong—Mga anghel ng Sitio Kalangitan sa Capas, Tarlac

'Tao Po': Liwanag at Dunong—Mga anghel ng Sitio Kalangitan sa Capas, Tarlac

ABS-CBN News

Clipboard

'Tao Po': Liwanag at Dunong—Mga anghel ng Sitio Kalangitan sa Capas, Tarlac
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Walang buhay, matamlay, tahimik, at madilim—taliwas sa pangalan ng lugar ang reyalidad ng mga Aeta sa Sitio Kalangitan sa Capas, Tarlac.  

Ngunit tila dininig ang panalangin ng mga Aeta sa Sitio Kalangitan, dahil kasabay ng pagpapatayo ng Aeta Learning Center ang pagdating ng grupong Liwanag at Dunong para turuan at tulungan sila.

Sina Adrian, Maningning, at Jigs ang ilan sa mga volunteer ng Liwanag at Dunong.

Ayon kay Maningning, hindi lang mga bata ang kanilang tinuturuan, maging ang magulang ng mga bata ay kanila ring mga estudyante.

ADVERTISEMENT

"Kahit na matanda po kami, matuto na kami ng kaunti nakapagbasa din. Nakapagbasa at makasulat ng mga pangalan. Kasi noon nagboboto po kami, puro na lang po tarmac (thumbmark) po," ani ni Sorlyn David, isang magulang at kanila ring estudyante.

Hindi lamang mga Aeta ang natuto sa Liwanag at Dunong, maging ang mga volunteer teachers ay nabigyan ng kalinawan.

"Lagi po namin sinasabi na para sa bayan, para sa bata, pero pagdating ko po dito, ito pala yung sinasabi naming para sa bayan, ito pala ang inilalaban namin para sa bata, ngayon I finally understood what para sa bayan really meant," saad ni Adrian.

Ulat ni Gracie Rutao para sa programang Tao Po. (April 6, 2025)

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.