Mga magbabakasyon sa Puerto Galera, dagsa na sa Batangas Port | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga magbabakasyon sa Puerto Galera, dagsa na sa Batangas Port

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Parami na nang parami ang mga nagdadatingan na mga pasahero sa Batangas Port para umuwi sa kanilang mga probinsya ngayong Holy Week.

Kapansin-pansin ang pagdami na rin ng mga turista, mapa-local man o dayuhan, ang dumarating sa pantalan, at ang kanilang destinasyon ay ang Puerto Galera sa Oriental Mindoro para magbakasyon.

Isa sa magbabakasyon sa Puerto Galera ang balikbayan na si Joseph Casanare na balak mag-hiking  kasama ang mga kaibigan.

“Highly recommended ko yung Puerto Galera, galing ako California lagi ko gusto yung Puerto Galera kasi maganda yung tubig, malinis, mas mura, tapos convenient yung sasakyan,“ sabi ni Casanare.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Puerto Galera Tourism Office, inaasahan nila na nasa 22,000 hanggang 25,000 ang tourist arrivals nila ngayong buong Holy Week.

Iba-ibang programa ang kanilang inihanda para sa mga turista kabilang na ang concert ng iba-ibang banda mula sa Maynila at mga local bands ng Mindoro sa Abril 17 at Abril 19.

Fully booked na rin ang mga hotel at resort sa Puerto Galera. Kilala ang Puerto Galera sa white sand beach.

Halos fully booked na rin ang biyahe ng mga fastcraft at mga RoRo.

Ang Island Water na may tatlong fastcrafts at isang RoRo na bumibiyahe ng Batangas-Puerto Galera at vice versa ay nagdoble na nang bilang ng biyahe mula sa dating 5 trips a day para maisakay ang mga pasahero.

ADVERTISEMENT

"But here in Island Water dinoble na po natin. Ginawa na po natin, 10 trips scheduled both Batangas and Puerto Galera. Mayroon po tayo d'yang three fast craft vessels and RoPax, which is MV Isla Simara, to accommodate the high volume of passengers. This anticipated peak season, mas dadami pa po habang papalapit ang bakasyon," sabi ni Dean Guinocor, marketing head ng Island Water.

"Hindi lang po ngayong holy week, mayroon pa po tayo summer season."

Pagtiyak pa ng Island Water, isinailalim nila sa preventive maintenance ang kanilang mga barko para hindi magkaaberya ngayong dagsa ang mga pasahero.

Inaasahang ngayong Miyerkoles Santo ay mas marami pang mga pasahero ang dadating sa Batangas Port patungong Puerto Galera.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.