Lolang bibili ng pagkain para sa gagraduate na apo, patay matapos masagasaan ng truck | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lolang bibili ng pagkain para sa gagraduate na apo, patay matapos masagasaan ng truck

Lolang bibili ng pagkain para sa gagraduate na apo, patay matapos masagasaan ng truck

Rolen Escaniel

Clipboard

MANILA — Patay ang isang retired teacher matapos masagasaan ng truck habang tumatawid ng kalsada para bumili ng pagkain para sa ga-graduate na apo sa Pototan, Iloilo nitong Martes. 

Ayon sa pulisya, iniwan ng 66-anyos na biktima ang kaniyang apo sa parlor para makapaghanda ang bata sa elementary graduation at makabili ang lola ng pagkain sa isang fast food restaurant.

Patawid na sa pedestrian lane ng F. Parcon Street ang matanda nang masagasaan siya ng truck.

Ayon sa driver ng truck, hindi niya nakita ang tumatawid na biktima at huminto lamang siya nang marinig ang sigawan ng mga tao sa paligid.

ADVERTISEMENT

Nagtamo ang biktima ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at na-fracture ang mga binti. 

Agad na dinala sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Nasa kustodiya ng pulisya ang truck driver.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.