1 Chinese patay sa pagtaob ng dredging vessel sa Occidental Mindoro | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1 Chinese patay sa pagtaob ng dredging vessel sa Occidental Mindoro

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA -- Isang Chinese ang kumpirmadong nasawi, habang 12 pa ang isinugod sa ospital matapos tumaob ang isang barko sa karagatang sakop ng Brgy. Malawaan sa Rizal, Occidental Mindoro, Martes ng hapon.

Sampu pang sakay ng barkong Hong Hai 16 ang na-trap at sinisikap na masagip ng Philippine Coast Guard.

Ayon kay Occidental Mindoro Gov. Eduardo Gadiano, lulan ng barko ang 11 Filipino at 12 Chinese.

Ayon naman kay Mary Jolence Soriano, head ng Rizal Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, dead on arrival na sa San Jose District Hospital ang isang Chinese.

ADVERTISEMENT
Anim pang Chinese at anim na Pinoy ang isinugod din sa nasabing pagamutan.

Nangyari umano ang pagtaob ng barko bandang alas-4:00 ng hapon.

Nakunan pa ng video ng mga resident ang unti-unting pagtagilid ng barko, hanggang sa tuluyan nang tumaob. Mabilis na rumesponde ang mga mangingisda gamit ang bangka.

Ayon kay Soriano, walang nakaalam sa pagdating ng barko. Nagulat na lamang umano ang mga residenteng may barko sa lugar kaya ini-report nila ito sa mga otoridad.