SAPUL SA CCTV: Motorsiklo bumangga, tumagos sa pader sa Iloilo; 1 patay | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SAPUL SA CCTV: Motorsiklo bumangga, tumagos sa pader sa Iloilo; 1 patay

SAPUL SA CCTV: Motorsiklo bumangga, tumagos sa pader sa Iloilo; 1 patay

Rolen Escaniel,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 14, 2025 08:45 PM PHT

Clipboard

SAPUL SA CCTV: Motorsiklo bumangga, tumagos sa pader sa Iloilo; 1 patay
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sapul sa CCTV ang pagtagos ng isang motorsiklo at mga sakay nito matapos bumangga sa pader ng isang bahay sa Barangay Alacaygan, Banate, Iloilo, nitong Linggo, ika-13 ng Abril, 2025.

Sa video na ibinahagi ng isang netizen, makikita na biglang tumagos sa pader ang isang motorsiklo at ang mga sakay nito matapos maaksidente sa lugar.

Makikitang tumilapon ang isang sakay ng motorsiklo habang ang isang sakay nito ay naiwang nakasabit sa pader kasama ang motorsiklo.

Nakilala ang mga biktima na sina Lenje Bersabal, nagmamaneho ng motorsiklo, 21 taong gulang; at Mark Alonday, 21 taong gulang; na parehong nakatira sa Barangay Bulaqueña, Estancia, Iloilo.

ADVERTISEMENT

Sa imbestigasyon ng Banate PNP, sakay sa kanilang motorsiklo ang mga biktima mula sa bayan ng Estancia, Iloilo, at papunta sana sa lungsod ng Iloilo pero pagdating sa lugar ay nawalan ng kontrol sa kurbadang bahagi ng kalsada ang driver ng motorsiklo at sumalpok sa pader.

Mabilis na rumesponde sa lugar ang mga rescuers at dinala sa ospital ang biktima pero namatay si Bersabal habang ginagamot habang ligtas na patuloy na ginagamot ang angkas nito na si Alonday.

Ayon sa awtoridad, mabilis ang pagpapatakbo ng mga biktima sa motorsiklo at walang suot na helmet nang mangyari ang insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.