Mga pasahero ng kaskaserong bus sa La Union nagpanic, nag-alala sa kaligtasan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pasahero ng kaskaserong bus sa La Union nagpanic, nag-alala sa kaligtasan

Mga pasahero ng kaskaserong bus sa La Union nagpanic, nag-alala sa kaligtasan

ABS-CBN News,

April Rafales

 | 

Updated Apr 14, 2025 05:35 PM PHT

Clipboard

Mga pasahero ng kaskaserong bus sa La Union nagpanic, nag-alala sa kaligtasan
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Pansamantalang pinatigil ng LTFRB ang operasyon ng viral na bus sa La Union kung saan makikitang uniiyak, galit at nagmamakaawa ang mga pasahero na pababain na sila dahil umano sa pagiging kaskasero ng bus.

Sa video ng pasaherong si Nova Oliva makikitang magmamakaawa siya at iba pang pasahero na ihinto na ang bus at bababa na lamang sila.

May iba ring pasahero na sumisigaw na at nagrereklamo na sa konduktor pero tilang ipinagkibit balikat lamang.

Ayon sa post, itinakbo ng naturang bus ang Balaoan to Bacnotan ng halos limang minuto lamang, imbes na 15 minuto.

Dagdag pa niya, sakay pa ng bus ang sariling pamilya ng driver. May mga pasahero ring mga bata at senior citizen.

Bumuwelta ang driver ng bus na si Louie Burgos at sinabing ang bus sa kanilang harapan ang nanggitgit sa kanila, at umiwas lamang siya. Itinanggi rin niyang mabilis ang takbo ng bus.

Sa video na ipinadala niya sa ABSCBN News, madidinig ang isang pasahero na sinasabing, "Hayaan mo na, paunahin ko na siya."

ADVERTISEMENT

Isang lalaking pasahero rin ang madidinig na nagsabing: "Paunahin mo na siya pare."

"Mag-stop na lang, mag-stop na lang," dagdag pa ng isang pasahero.

Nakiusap ang driver ng bus na alamin ang buong kwento bago siya husgahan.

Ayon naman sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board-Region 1 Office, masusi nilang iimbestigahan ang insidente lalo kung nalagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.