Rider nakunan ng video sa pagtangay ng cellphone ng siklista sa Antipolo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Rider nakunan ng video sa pagtangay ng cellphone ng siklista sa Antipolo

Kaxandra Salonga,
ABS-CBN News
Published Apr 13, 2025 10:45 AM PHT
|
Updated Apr 13, 2025 12:42 PM PHT

RIZAL — Nakunan ng video ang isang rider na tumangay ng cellphone ng 16-anyos na siklista sa Sumulong Highway sa Antipolo City nitong Sabado, pasado alas 7 ng umaga.

Sa video, kitang kumaripas ang rider matapos nakawin ang cellphone na nakasuksok sa t-shirt ng biktima.

Ayon sa may-ari ng video, sinubukan niyang habulin ang rider pero dahil maraming kasabay na motorista hindi na niya pinilit at baka madisgrasya pa.

Kuwento ng biktima, humingi siya ng tulong sa mga dumaan na rider.
Kuwento ng biktima, humingi siya ng tulong sa mga dumaan na rider.
ADVERTISEMENT
“Pagkahatak niya po doon sa jersey ko, wala na po talaga ako naisip gawin kundi sumigaw po… Nung time na po nun, medyo nanginginig na po ako… muntik na po akong bumagsak, parang na-traumatize po kasi ako… Birthday gift po 'yun eh and hindi naman po basta-basta gift, coming from my parents yun,” aniya.

Labis ang pag-aalala ng ina ng biktima sa sinapit ng kanyang anak. Dumulog sila sa himpilan ng Antipolo Police matapos ang insidente.

“Natakot ako kasi what if sinipa niya yung bike ng anak ko nung pagkakuha niya… iba kasi yung dating ng rider parang sanay na sanay siya sa pagkuha tapos ang bilis talaga niyang nawala,” aniya.

Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang hindi pa nakikilalang suspek, na kakasuhan ng Theft.

“Base doon sa dashcam video na kumalat sa Facebook, may naka-kabit na MV (Motor Vehicle) file number doon sa likod ng nasabing motorsiklo… verify natin kung sino yung nagmamay-ari, kung ano yung nakarehistro sa nasabing motoriklo,” pahayag ni Police Capt. Alnor Tagara, duty officer ng Antipolo Police.

Muling nagpaalala ang pulisya na manatling alerto sa kalsada at sikapin na itago ang mahahalagang gamit para maiwasan ang insidente ng nakawan.

IBA PANG ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT