Kandidato sa Maguindanao del Sur, pinaulanan ng bala | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kandidato sa Maguindanao del Sur, pinaulanan ng bala

ABS-CBN News,
Al Saludo
Published Apr 13, 2025 10:04 PM PHT

Sugatan ang kumakandidatong board member at driver nito matapos paulanan ng bala ng hindi kilalang mga salarin dakong alas-2 ng hapon ng Linggo sa National Highway, Barangay Brad, Datu Anggal Midtimbang (DAM), Maguindanao del Sur.

Kinilala ng Maguindanao Del Sur Police Provincial Office Director PCol. Ryan Bobby Paloma, ang biktimang si Aspirant 1st District Maguindanao Del Sur Board Member Datu Mohammad Utto Omar alias "Datu Baba", 49 anyos, residente ng South Upi, Maguindanao del Sur; at driver nitong si alias "Abel", 31 anyos, may asawa at residente ng Buluan, Maguindanao del Sur.

Nagtamo ng minor injury si alias "Datu Baba" at nasa ligtas na kalagayan habang ang kasama nitong driver ay kasalukuyang ginagamot dahil sa tama ng bala sa kaniyang katawan.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, galing sa proclamation rally mula Datu Piang ang mga biktima at sakay sa isang kulay brown na SUV ng bigla na lamang pinaulanan ng bala ng hindi kilalang mga suspek sakay sa isang mini-van.

Kahit sugatan ang driver, sinikap pa nitong makarating sa isang community police assistance outpost na hindi kalayuan sa pinangyarihan ng insidente.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa direksiyon ng Barangay Kedati, Talayan, Maguindanao del Sur.

Narekober ng mga pulis ang 50 pirasong basyo ng mga bala.

Dinala ang mga biktima sa ospital upang mabigyan ng sapat na atensyong medikal.

Nagpapatuloy naman ng imbestigasyon ng mga pulis upang makilala ang nga salarin.